Random Post: 1975...
RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    Pagdating ng panahon…san ka na?

    Ilang taon kong hinintay ang pagkakataong ito… pagkakataong masabi sa lahat ng tao ang aking saloobin… pagkakataong matanong ang dapat tanungin…

    Naransan nyo na bang umibig?  Naransan nyo na bang mabigo?  Naranasan nyo na bang umasa?  Naranasan nyo na bang umiyak?  Naransan nyo na bang managinip ng gising?  Naranasan nyo na bang magmukhang baliw?

    Alam kong lahat tayo ay “OO”. “YES”, “SI”, “AIWA” o “HAI” ang sagot!  Dahil lahat tayo ay marunong umibig at nagnanais na iibigin ng taong iniibig!

    Pero sadyang masaklap kung minsan ang buhay… Kahit anong pa cute ang gawin mo…sheeet them!  Dedma pa rin ang byuti mo!   Bakit ganun nho!?

    A ewan! Ewan basta sadyang ganyan ang buhay!  Kadalasan kung sino pa ang gusto mo ay sya namang ayaw sa yo..

    Sige lang, pagdating ng panahon… mapapansin ka rin nya!  Pero hey naman..kay tagal ko nang nag hintay!  Kailan pa ba ang sinsabi nilang PAGDATING NG PANAHO?  Aisa S., help me naman o, san na ba ang sinasabi mong PAGDATING NG PANAHON?!

    My gulay.. kung minsan pa tutulo na lang ang laway mo sa tuwing nakikita mo ang iyong mahal na may mahal na iba!   Shux… super sakit!  Believe me. I’ve been there! Tapos, eto pa… makikita mo syang nasasaktan at kumakanta ng STUPID LOVE!  Hala, anong pwede mong gawin!  Goodness… makikijoin ka rin sa pain na nararamdaman nya!

    O my… Kung ako na lang sana kasi ang minahal mo!  Pangako hinding hindi ka iiyak!  I swear!   Pangako hindi kita iiwan!  Pangako ikaw lang ang aking iibigin hanggang sa aking huling hininga! …. Kung ako na lang sana! Kung ako na lang sana!  Sana darating pa yun.. sana mabigyan man lang ako ng pagkakataong maipadama sa yo ang aking crazy love….

    Leave a Reply