…..NAG IISIP NG MALALIM
LIFE…
Ang buhay ay parang pelikula… ang buhay ay parang nobela… ang buhay ay parang laro na nagsisimula sa iyak at nagtatapos sa iyak!
Bakit nga ba tayo andito sa mundo? Ano nga ba ang kabuluhan ng ating buhay sa mundong ibabaw? Ano nga ba?
Andaming sagot sa tanong na ito… magkaiba man at magkasalungat ngunit may punto pa rin ang bawat isa…
Sa punto de vista ng isang nagnanais ng pagbabago, ang buhay ay pakikipaglaban para sa katarungan at kapayapaan! Pero ano nga ba ang katarungan at kapayapaan? Malinaw ba sa bawat isa sa atin ang kahulugan ng salitang KATARUNGAN at KAPAYAPAAN?
Sa punto de vista ng mga kapitalista, ang buhay ay laro ng baratan! Patawad sa salitang baratan, pero ito ang katotohanang nakita ko sa mundong ginagalawan! Hanggang kaya pang baratin ang isang bagay o tauhan, baratin mo na, para kumita ka ng mas malaki! Ganito ang buhay! Datch layp!
Sa punta de vista naman ng mga naghahanap ng ikakabuhay, GO GO GO lang! Sugod lang ng sugod sa kung anong pwede mapakakitaan! Ang importante, may maipakain sa mga kapamilya!
Sa punto de vista ng mga nais yumaman pero tamad, ang buhay ay parang lotto! Bili ka lang ng ticket at mag antay sa tamang panahon…magiging milyunarya ka rin! Sila ang mga kaanak ni Juan Tamad!
Sa punto de vista ng isang manggagawa, ang buhay ay parang gulong… minsan nasa itaas, minsan nasa ilalim!
Watever man yung PUNTO DE VISTA ng bawat isa sa mundong ito, ang importante ay masaya ka at walang naapakan na ibang tao bagkus ay nakatulungan ka pa sa iba na pagaanin ang dinadala sa buhay…. Ito ang trabaho ng mga magnanakaw…. Tumutulong sila na pagaanin ang dala dala mo sa bag! Watjatink?
Basta LIFE IS LIFE.. Be a blessing to others…
Ü
Basta, namnamin mo ang buhay mo sa mundong ibabaw na ito!