Random Post: About
RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    KAILAN ANG PAGDATING PANAHON (4)

    JUNE 17, 1997. HISTORY CLASS.

    ZANDS:  Hi Ally!  Sorry sa nangyari last week ha. At sorry at di kita napuntahan sa boarding house mo! 

    ALLY: Okay lang yun!  Pero di ko lang maintindihan , bat nya ako ginanun?  Feeling ko tuloy, ang ganda ganda ko na dapat nyang pagselosan ng todo todo!

    ZANDS:  Thats true!  Mas maganda ka kaysa kanya!

    Syeeeeeeeeeeeeeet!  Nabulag na din yata sa pag ibig si Zands ko!  Parang gusto ko nang sumabay sa paghampas ng alon at nang akoy magising sa panaginip na ito!  Parang di kapani paniwala ang narinig ko sa kanya kase kahit nanay ko pa ang magkumpara sa aming dalawa ni YE (yung babaeng nanampal sa akin), talagang sasabihin ni mader nature na MAS MAGANDA si YE kaysa sa akin!

    ALLY!  Ano ka Zands?  Hilo!  Mas maganda sya sa akin!  Wag mo na akong bolahin!…

    …sa isip isip ko:  dahil matagal na akong nagpabola sa yong mga inevitable smiles…

    ZANDS:  Believe me, you’re beautiful!

    ALLY:  I know!  Padagdag na rin ng YOU’RE SEKSI para kumpleto!  Pero bakit nya ako sinampal?

    ZANDS:  Kase noong mag inuman kami minsan sa boarding house, nalasing ako at nakikipaghiwalay ako sa kanya!  Kaya noong makita nya tayo kinabukasan , akala nya ikaw ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko sa kanya!

    ALLY:  Oiz!  Napaashunga naman ng babaeng un!  Di man lang nag check n verify… sugod aagad, di pa nga kilala kung sino ang karibal! 

    ZANDS:  Sorry ulit ha!  Promise di na un mangyayari ulit!

    ALLY:  Ikaw pa ang nag sorry para sa kanya!  Ibaon ko na yun sa limot!

    ….. Akala ko pa mandin na umiibig na sa akin si Zander!  Sana ako na lang ang dahilan ng kanilang break up at nang sa ganun ay masulit yung pananampal ni Ye!  

    ZANDS:  Ally, okay ka lang jan?  Ba’t parang ang tamlay mo?  Tara, labas tayo!

    ALLY:  Ano?  Eeskapo na naman tayo?

    ZANDS:  Tara na! 

    Ewan ko nga ba at handa kong takasan ang History class ko para lang makapiling sya!  Dalawang dahilan lang ang pwede kong pagpilian, it’s either super boring si sir o super sayang kasama si Zands!  Pwede ring both!

                                                                          ***** ipagpatuloy

    Leave a Reply