Random Post: KISH, IRAN
RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    KAILAN ANG PAGDATING NG PANAHON?

    Isa sa karaniwang tinatanong sa mga babaeng malapit ng lumagpas sa kalendaryo ay…

       “Ilan na ba ang anak mo?”

    Aysus..kaysakit pakinggan!…What kind of question is that!

    Bakit nga ba umabot ako sa ganitong edad na wala pa ring baby at bebe ko?!  Bakit nga ba?…Let me think….

     First day sa kolehiyo.  Wow!  Super excited ang aking kagandahan na makita at makilala ang mga bagong kaklase…. Ay! Mga matataray at suplado!  Hmmppppppppp… Ooops, wait, may nakita ako supladong macho! 

    Gwapo:  Excuse me, may nakaupo ba jan sa tabi mo?

    Ako: Vacant po yan…

    …sa isip isip ko… “nakareserve yan for you!”

    Pero wait muna, ano ba ang name ko?  Ako nga pala si Allysa Jarine…. I was 16 years old then… inosente, eengot engot at ta tanga tanga!

    GWAPO: Pwede bang dito ako maupo?

    ALYSSA:  Sure.

    Yun ang aming unang pag uusap ni Gwapo.  Nakatatak pa rin ang aming conversation hindi lang sa aking utak kundi sa aking puso. At yung upuan na yun ang naging permanent seat din ni gwapo.  Ngunit mag iisang linggo na lang kaming magkatabi, hindi ko na narinig ang kanyang napakamahinahong boses.  Baka medyo pipi si gwapo?  Pwede ko ba syang tawaging PIPING GWAPO?

    PIPING GWAPO:  Miss, ano nga ba ang name mo?

    Wow!  At last, after 2 weeks…bumalik din ang boses ni piping gwapo.

    ALLYSA JARINE:  Name ko?  Allysa Jarine…ikaw?

    PIPING GWAPO: Philippe Zander, Engineering student. ikaw?

    ALLYSA JARINE:  Taga Engineering din ako.  Anong batch mo?

    TEACHER: Kayong dalawa jan sa may likuran, pwede na kayong lumabas at ipagpatuloy ang inyong pagkwekwentuhan!

    Ano ba yan, super memorable talaga ang araw na yon…seryoso si sir sa kanyang sinabi… GO OUT si BYUTI AT MACHO sa classroom….

                                                                                                         *** ipagpatuloy…***

    Leave a Reply