RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    KAILAN ANG PAGDATING NG PANAHON (5)

    …kadugtong…

    Pagkatapos ng insidenteng sampalan ek ek, mas lalong lumalim ang aming pagkakaibigan ni Zands.   At ako namang si lukreng na Allysa, mas lalong lumalim ang pagkakaibig (?) sa kanya.

    Zands:  Ally, samahan mo nga akong mag grocery.

    Zands: Ally, samahan mo naman akong mag internet sa may labasan.

    Zands:  Ally, samahan mo nag ako sa aking group study jan sa may kanto.

    Zands:  Ally, tara dinner tayo sa Ankers.

    Hay!  Ally sya ng Ally! Sure naman ako ng sure!  Of course, chance ko na yon na makasama at makapiling si Zander ng buhay ko!  Mababaliw na ang aking kagandahan.  Feeling ko, napakaimportante ko sa buhay nya!  Ako naman sa kabilang banda, pinipilit kong pigilan ang sarili ko na humingi ng pabor sa kanya.  Baket?  Kasi ayokong masanay!  Syeeeeeet!  Pero sa pagdaan ng panahon nakalimutan ko ang pagpigil na ito.

    Ally:  Zands, samahan mo naman akong bumili ng isda.

    Ally:  Zands, samahan mo naman akong magresearch sa library.

     Ally:  Zands, punta ka naman sa gimik namin.

    Ally:  Zands, samahan mo naman ako sa group meeting namin.

    Zands:  Sure Ally, basta ikaw, kurog ko!

    Watta!  Ang sarap ng pakiramdam na anjan sya palagi at ready to assist and help me.  Naging silent motto pa namin sa isa’t isa ang : ” Anytime, anywhere, just call my name and I’ll be there”

    Zands:  Ally, help!  Pwede ka bang pumunta dito sa boarding house ko?

    Ally:  Ano ba ang nangyari?  12MN na ah!  Lasing ka ba?

    Zands:  Ally, punta ka naman dito..please!

    Aysus! mabilis pa ako sa witch na nakasakay sa broomstick!

    ZOOOOOOOOOOOM……

    Ally:  Anong nangyari?  Naunsa man tawun ka uy?

    Zands:  Ally, bakit hindi nya ako gusto?

    Ally:  Sinong walang may gusto sa yo?

    Zands: Si Pauline, ayaw nya ako!  Bakit ayaw nya sa akin!  Bakit?

    Ally: You’re not meant for each other.  Ganyan talaga ang life…

    Zands:  Bakit?

    …….Ayun, nakatulog na sya ng mahimbing sa labas ng kanyang boarding house.  At ako naman, parang si nanay na matiyagang nagbantay kay bunso!

    Nararamdan ko ang nararamdaman ni Zands.  Nararamdaman ko ang kirot sa kanyang puso!  Gusto ko syang gisingin at pagsabihang, “andito lang sa tabi mo ang tunay na nagmamahal sa yo!”.  Pero, hindi ko kayang sabihin sa kanya… hindi ko kayang gisingin ang isang lasing…. lasing na sa alak, lasing pa sa pag ibig!

    One Response to “KAILAN ANG PAGDATING NG PANAHON (5)”

    1. bomzz says:

      hahahah natawa ako sa wento mo….. oy… bisaya diay po ko.. ako jud gibasa tanan….

      ask lang ko ha taga Surigao ka?……

      ako taga surigao.. nag search lang ko sa Gogol….. mao nahiabut ko dre sa imong Blog….

      MArajaw karajaw…. an adlaw…..

    Leave a Reply