Random Post: PINOY BIG BROTHER ...
RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    KAILAN ANG PAGDATING NG PANAHON (3)

    *** kadugtong ***

    Si Zands ang naging sandalan ko sa tuwing akoy malungkot at “the priest” este depressed.  Hindi ko alam kung syay naiinis at napupuno na sa aking mga kadramahan in life…

    ALLY:  Zands, bat ganyan si echus, bat nya ako tinatarayan?

    ALLY:  Zands, babagsak na talaga ako sa lintek na subject na to!

    ALLY:  Zands, bat ayaw nila akong irespeto bilang ako?

    ALLY:  Zands, dapat andito ka ngayong kaarawan ko.

    ALLY:  Ang sama mo naman, bakit hindi ka pupunta dito?

    Hay!  Andami ko kayang ka echusan at kadramahan sa kanya.  Andami ko ring natanggap na pangangaral sa kanya, pero never nya akong nasigawan.

    Syeet na ito!  Pag ibig na yata itechi!

    ZANDS:  ALLY, samahan mo nga ako mag dinner.

    ALLY:  Sure, tara na sa Ankers.

    Hala!  Tama ba ang memory ko, nakaakbay si macho sa akin!  My gulay… feeling ko para akong nakuryenteng palaka!  Wahahaha…  Ang sarap ng moment na yun…  Pakiramdam ko’y nasa alapaap ako!  Heaven.. Sana may feelings sya sa akin.  Sana kami na!  Hay!  Ang saya saya!  Sana maging akin sya sa araw na ito at nang mag 1st year anniversary na kami sa June 10,1998.  Sana kami na!  Sana magkafeelings naman sya sa akin…Sana….

    PAK!

    Isang sampal ang pumutol sa masayang moment na iyon.  Isang sampal na masakit pa sa suntok ni Pakyaw. 

    BABAE NANAMPAL:  Hoy!  Babaeng malandi!  Ang kapal kapal nga naman ng mukha mo!  Nakuha mo pang makipaglandian sa kanya!

    ALLY:  Huh!  Ako?  Malandi?  Di kaya’y nagkamali ka lang?

    BABAENG NANAMPAL:  Phillip, sya ba ang dahilan?  Sya ba?  Bakit?

    Parang eksena sa pelikula ang pangyayaring ito.  Andaming mga usi (usyusera/ro) na nanood!  ((Wait, artista na ba ako?))

    Iyak ng iyak si babaeng nanampal at sinasabayan pa nya ito ng pagsuntok sa dibdib ni Zands-ko… Kawawang Zands, malamang puro pasa na ang kanyang dibdib.

    ZANDS:  Ye, tara usap tayo ng maayos sa boarding house.

    ZANDS:  Ally, sorry!  I’ll explain to you later.

    BABAENG NANAMPAL (a.k.a. YE): Maghintay ka babaeng malandi!  Di pa tayo tapos!

    Ano ba itong pangyayaring ito!  Bakit ganun?  Bakit ganito?

    Leave a Reply