Random Post: KISH, IRAN
RSS .92| RSS 2.0| ATOM 0.3
  • Home
  • About
  •  

    Dubai

    Pangarap ng maraming Filipino ang makaraos sa kahirapan na dulot ng masamang ekonomiya ng Bansang Pilipinas.  Isa sa solusyong nakita at tinahak ng ating mga kadugo ay ang mangibang bansa at maging mga dakilang OFW!

    Bakit nga ba kailangan pa ang mangibang bansa para makaraos sa kahirapan?  Ano ba ang kinabukasang naghihintay sa pagpapaalipin sa sariling bansa? 

    Sa mga Pinoy na nasa middle class pababa, malamang ang pangibang bansa ang pinakamagandang solusyon para makaahon sa kahirapan.

    Pero bago makaraos sa kahirapang kinasadlakanan, madaming pagsusulit ang iyong madadaraanan.  Gaya na lang halimbawa ng mga Pinoy na nagsipunta sa Dubai o UAE in general.

    Paano nga ba sila nakapunta sa Dubai?  Ang pinakamadaling paraan ay ang tinatawag nila na VISIT VISA.   Kalimitan sa singilan ng Dubai Package ay 50k hanggang 100k!  Depende na to sa pagkanegosyante ng iyong kaibigan o kaibigan ng kilala ng iyong kaibigan.  Pero kung sweswertihin ka naman at may kamag anak ka o kaibigang malapit at nagmamalasakit sa yo, nasa 35k lang daw ang gagastuhin mo.

    Ano nga ba ang meron sa Dubai?  Bakit sa Dubai pa? 

    Ang Dubai ay bahagi ng UAE at kadalasay tinatawag pa rin na Dubai ang ibang mga estado ng UAE.  Kung bakit, malamang dahil ito ang sikat.  Gaya na lang halimbawa ng: ” Bumilika nga ng Colgate na Close up“; “Paki xerox mo nga itong mga dokumento mo”; “Ang Gasul namin ay Shellane“.  Pinoy style!

    Andaming trabahong naghihintay sa Dubai (UAE) kaya marami ring tao dito.  Iba’t ibang lahi ang mga tao dito.  Halos lahat ay mga banyaga, kakaunti lang ang lokal na makikita mo.  Iilan lang kaya sila?  Hindi na bago sa lugar na ito ang “Culture Shock” at “Amoy Shock”.  Maraming mga gwapo, macho, talk, dark and handsome guys kaya lang medyo hindi kagandahan ang amoy!  The best pa rin ang Pinoy syempre, kahit hindi kagwapahun, lamang na man ng konti sa amoy!

    Kung inaasahan nyo na makaraos na kayo sa problema sa trapiko sa Pinas, hala!  Habaan nyo pa ng konti ang iyong pasensya kasi sobrang malala (as in super duper) ang problema sa trapiko dito.  Andaming sasakyan, pero uunti ang daanan. Pero hindi ganito ang sitwasyon sa kabuuan ng UAE.  Gaya sa Pinas, malala lang ang traffic sa Metro Manila, Cavite at ibang mga lugar.  Tapos eto pa, kung akala ninyo na mas maayos ang pampublikong transportasyon dito, hala ulit!  Nagkamali na naman kayo.  Grabe dito.  Makatapos ka ng isang libro o di kayay makalevel 25 ka na sa laro bago dumating ang bus na sasakyan mo.  Ngunit, hindi pa jan nagtatapos ang suliranin mo… mag aagawan pa kayo sa pagpasok.  Swerte ka kung babae ka kasi ikaw ang unang papasukin ng driver.  Yun nga lang limatado ang upuan para sa mga babae.

    Sa UAE nga pala, parang may FORCED GENTLEMAN act ang mga tao.  Kung nag aabang kayo ng bus, una sa pila ang mga babae; kung magbabayad ka ng kuryente’t tubig, ibang pila o opisina ang mga babae.  Minsan nakakatuwa ang ganitong kultura ngunit ang bottom line nito ay ang pagiging sexist nila.  Opinyon ko lang po ito.

    Malaking problema sa UAE ang transportasyon.  Kulang na kulang na nga sa Bus, andalang pa ng mga Taxi.  Hay! Ewan parang sobrang strikto at taas ng kanilang standard sa pagpili ng mga drayber. 

    Sa trabaho naman, swertihan din.  Andami ding mga palaboy laboy sa kalye at naghahanap ng trabaho!  Pero darating din naman ang trabaho na para sa bawat isa… tyagaan lang naman kasi. 

     Oo nga’t malaki ang sahod sa Dubai kumpara sa Pinas pero mauubos ito sa pagbili ng mga sapatos!  Ambilis kayang masira ng mga sapatos dito.  Bakit?  Isipin nyo na lang kung gaano kainit ang semento sa temperaturang 50deg centigrade!  Pero in fairness ha, hindi naman siguro ganito kainit araw araw.  Basta, parang nasa oven kayo.  Tapos, maglalakad pa kayo ng kung ilang kilometro para lang makarating sa pupuntuhan.  Bakit?  Kase kahit may pera pa kayo at afford nyo ang taxi, wala namang taxi!

    Tawag sa Pinoy ay Pilipine/Pilipino.  Tawag naman ng Pinoy sa ibang lahi na hindi mapuputi ay MY FRIEND.  Tawag ng Pinoy sa kapwa Pinoy ay KABAYAN.  Nakakatuwa kasi parang nagkaisa ang mga Pinoy.  Pero wag magpakasiguro dahil andami ding tusong Pinoy! 

    Sa Dubai mo rin makikita ang mga ninuno nating mga Pinoy.  Makikitamo kung gaano tayo ka pareho ng mga pisikal na itsura sa Indonesians at Malays!  Ang galing nga eh… Minsan pa nga raw ay tinatawag silang KABAYAN! 

    Andaming HIGH RISE buildings sa gitna ng desyerto.  Desyerto nga ba?  Napapaligiran naman ito ng tubig.  Marami ding pinung pinong buhangin na nakakapuwing.  Maraming trabaho at marami ding tao.  Iba’t ibang lahi; iba’t ibang kultura; iba’t ibang amoy!  Dubai…ang lugar kung saan nais maisakatuparan ang pangarap ng mga Pinoy na nagnanais ng pagbabago sa buhay.

    Leave a Reply